Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ay ang ss.:
1. Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga hiram o banyaga.
Hal.
Rule - tuntunin
Color - kulay
2. Gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
Hal.
Butanding - (Bicol) whale shark
3. Mga Salitang hiram sa Espanol.
3.1 Baybayin ang salitang ayon sa ABAKADA.
Hal.
telefono - telepono
maquina - makina
3.2 Sa mga salitang hiram sa Espanol na may 'e', huwag palitan ang 'e'.
Hal.
Espesyal - hindi ispesyal
Estilo - hindi istilo
3.3 Sa mga salitang hiram sa Espanol na may 'o', huwag palitan ang 'o'.
Hal.
koryente - hindi kuryente
tradisyonal- hindi tradisyunal
3.4 Sa mga salitang hiram sa Espanol na mga 'o' at sinundan ng 'n' at ang 'n' ay nagiging 'm'
Hal.
Kastila Filipino
convento kumbento
convulsion kumbulsiyon
4. Mga salitang hiram sa Espanol at Ingles: Kung hindi tiyak ang mga pagtutumbas, hiramin ang orihinal ng Espanol at Ingles.
Hal.
Espanol Filipino Ingles
dialogo diyalogo dialogue
prioridad priyoridad priority
* Maling panumbas ang mga sumusunod:
dayalog - diyalogo (dialogue)
prayoriti - prayoridad (priority)
5. Panghihiram sa Wikang Ingles: Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghiraman, huwag palitan ang tunay na ispeling kung makalilito ito sa pagsada-Filipino ng baybay.
Hal.
Depot
Spaghetti
Reservoir
6. Huwag palitan ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi, panteknikal, pang-agham, at mga simbolong pang-agham at matamatika.
Hal.
Manuel Quezon
Ablaza Bldg.
Saint James Hospital
Fe (Iron)
H (Hydrogen)
varicose veins
x-ray
thank you po sa pag share :)
TumugonBurahinMadali kong naunawaan
TumugonBurahin